Vaccination sites sa mga paaralan para sa mga batang 5-11 anyos, ilalatag ng DOH

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan sila Department of Education (DepEd) at sa local government units (LGUs) para i-facilitate ang pagbabakuna sa mga bata sa private at public educational institutions.

Sa ngayon, inaayos na lamang ang mga panuntunan para dito.,

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje nakipag-usap at nakipag-ugnayan narin umano ang DOH sa mga taga-DepEd at mga LGU para tulungan ang pagbabakuna sa naturang mga paaralan.

Ito’y matapos aprubahan ang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Nakasaad dito, na ang inoculation sa mga paaralan ay magbibigay ng pagkakataon sa mga bata na mabakunahan, pero dapat may pahintulot sa mga magulang, maging ng approval mula mismo sa mga estudyante, alinsunod sa DOH guidelines.