LEGAZPI- Ibat-ibang mga aktibidad ang itatampok ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sto. Domingo, Albay para sa pagbubukas ng Sarung Banggi Festival 2022.
Kung matatamdaam, ngayon umano ang muling pagbabalik ng mga aktibidad ng nasabing festival matapos na maibaba sa alert level 1 ang buong lalawigan na kung saan, hindi masyadong kahigpitan ang mga outdoor activities.
Sa pinalabas na advisory ng LGU, simula sa byernes hanggang sa susunod na linggo, isasagawa ang Kite Festival at Kite Flying Competition, Cultural & Talent Show, magsasagawa rin ng Fun Bike, Diklom (Mobile Night Photography Contest); Tree Planting (Mangrove), Glow in the Dark Zumba Party at MJA Major Mobile Legends Tournament Season 2 at iba pa.
Samantalang ang mga sasali o lalahok na mananalo ay makakatanggap ng prizes.
Malaki naman ang pasasalamat ng LGU dahil kumpara noong nakaraang taon, mas maeenjoy umano hindi lamang ng mga dominguenos kundi maging mga bisita ang kanilang taunang festival.