Tatlong taong paghahanda para sa Golden anniversary celebration ng Diocese of Daet sisimulan ngayong araw

CAMARINES NORTE- Ipinagdiriwang ngayong araw, September 1 ang ika- 47 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Daet dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Alas 9: 30 ngayong umaga ay gaganapin ang Diocesan Mass na pangungunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon na inaasahang dadaluhan ng ilang kaparian, relihiyoso at layko.

Dahil sa ipinatutupad na health protocols limitado lang ang maaaring makapasok sa katedral pero maaari pa ring makiisa sa misa sa pamamagitan ng live stream sa facebook.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa misang ito ay pormal na ring ilulunsad ang tatlong taong paghahanda para sa golden anniversary celebration ng Diocese sa 2024.

Itinatag ang Diocese of Daet noong September 1, 1974 kasabay ng pagtatalaga sa tubong Jose Panganiban, Camarines Norte na si Most Rev. Celestino  Enverga bilang kauna- unahang Obispo.

Isa ang Daet sa mga sufragan Dioceses ng Archdiocese of Caceres.

Samantala, mamayang hapon naman ay sisimulan din ang nobenaryo para sa Divino Rostro.

Magtatapos ang novenary days sa September 10 kasabay naman ng pagsisimula ng nobenaryo kay Nuestra Senora De Penafrancia.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon, ginagawa bagay na ito dahil hindi makakapunta ngayong taon ang marami sa Lungsod ng Naga dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID- 19.