Tatlong stall ng ukay-ukay sa City of Ilagan, nasunog

Tatlong stall ng ukay-ukay sa City of Ilagan, nasunog Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP Ilagan upang matukoy ang naging sanhi ng sunog na sumiklab sa stall ng ukay-ukay sa Centro Poblacion, City of Ilagan Isabela.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay LGU-Ilagan Information Officer Paul Bacungan, tinatayang tatlo hanggang apat na stall ng ukay-ukay ang nadamay sa sunog kung saan tumagal ito ng higit tatlumpung minuto bago ideklarang fire-out ng BFP.

Aniya, nang makita ng mga katabing stall ang usok ay agad na nag-evacuate ang mga tindero’t tindera at naging maagap umano ang BFP sa pagresponde dahilan upang hindi na lumaki pa at lumawak ang tinupok ng apoy.

Agad din aniyang isinara ng mga kawani ng POSMO-Ilagan ang kalsada patungo sa lugar upang agad na makapasok ang mga responders tulad ng BFP at PNP habang nanatili rin dito ang SWAT para sa pagpapanatili ng kaayusan.

Nagsagawa na ng panimulang pakikipag-usap ang mga social workers ng DSWD sa mga naapektuhan ng sunog para sa ibibigay na tulong ng Lokal ng Pamahalaan. Muli namang nagpaalala si IO Bacungan sa mga nagbebenta sa palengke na iwasan ang octopus wire at maraming extension sa kanilang mga stall upang maiwasan ang pagkakaroon ng posibleng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *