Pagsasanay sa mga paggawa ng mga produkto mula sa abaca isinagawa ng IPO

Isinagawa ng Investment Promotion Office ang pagsasanay para sa paggawa ng mga produktong yari mula sa abaca sa Brgy. Bianoan, Casiguran, Aurora.

Ito ay bilang bahagi na rin umano ng Enterprise and Product Development Function ng tanggapan.

Kinabibilangan ito ng sampung PWDs mula sa PWD Association ng barangay, labinlimang kababaihan/ina, at limang mga retirado/propesyonal.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa loob ng dalawang araw mula noong June 10 hanggang 12 na layong maipakilala maging sa ibang bansa ang mga produktong abaca.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Provincial Government of Aurora

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *