P1.5 Million na halaga ng ari-arian, nasunog!

Aabot sa P1.5 million na halaga ng mga ari-arian ang na-abo matapos sumiklab ang isang sunog kaninang madaling araw sa Purok Molave, Brgy. Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, pagmamay-ari nina Emeterio Riano Jr , 46 anyos ang nasunog na establisyimento.

Base sa ulat, bandang alas-12 ng gabi nang makarinig ang mga residente ng malakas na putok at nang tingnan nila ito ay bumungad sa kanila ang malaking apoy.

Wala naming nasaktan sa insidente at kaagad naapula matapos ang mabilis na pag-responde ng mga bumbero

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *