Tatlong Pinoy, arestado sa Taiwan dahil sa umano’y tangkang pagpuslit ng droga

Tatlong Pilipino ang arestado sa Taiwan dahil sa umano’y pagtatangkang magpuslit ng ilegal na droga,.

Ayon kay Manila Economic Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III , ang tatlong pinoy ay nahuli sa airport at may bitbit na nasa 10 kilo ng iligal na droga.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Dalawa sa mga naaresto ay nahuli noong September 28 dahil sa umano’y pagdadala ng high grade cocaine.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ang dalawa ay parehong may hawak ng tourist visa.

Naharang ang ikatlong Pilipinong at naaresto dahil sa pagdadala umano ng halos dalawang kilo ng iligal na droga kahapon, October 11.