Tatlong pasahero sa isang tricycle, papayagan na sa Virac, Catanduanes sa kondisyong fully vaccinated ang mga ito

BNFM BICOL—Nagbaba ng bagong kautusan ang lokal na pamahalaan sa bayan ng  Virac, Catanduanes kaugnay  ng pansamantalang presyo ng pamasahe sa traysikel na ipapatupad sa lahat ng mga commuters at tricycle drivers sa naturang bayan.

Batay sa Executive Order No. 56 series of 2021 na pirmado ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento, sampong piso ang pinakamababang pasahe habang singkwenta pesos naman ang pinakamataas, depende sa destinasyon ng pinanggalingan at pupuntahan.

Tatlong pasahero na rin ang pahihintulutan sa isang traysikel sa kondisyong ang lahat ng mga ito ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ibig sabihin, required ang mga tricycle drivers na hingan ng vaccination card ang kanilang mga pasahero at i-verify ang vaccination status ng mga ito.

Dalawa ang pwedeng isakay sa side car habang ang isa naman ay  nasa likod ng driver.

Samantala kung unvaccinated naman ang pasahero, mag-isa lamang siyang pwedeng isakay habang ang singil naman sa pasahe ay mas mataas dahil kailangan din umanong ikonsidera ang mataas na presyo ng gasolina at ang ginagastos ng mga tricycle drivers at operators sakanilang mga tricyle.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Kaugnay nito, sakabila ng pagluluwag sa naturang transport protocol, ipinaalala pa rin ng LGU sa lahat ng mga commuters at drivers na sundin ang mga umiiral na minimum public health standards lalo na ang pagsusuot ng facemasks.

Epektibo naman ang naturang E.O simula ngayong araw December 14,2021.###