Bicol region nakapagtala ng 81 COVID-19 recoveries, 2 bagong kaso ng sakit kahapon

BNFM BICOL – Sumipa sa 81 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nakarekober sa COVID- 19 sa buong Bicol Region. Ito ay batay sa pinakahuling datus na naitala ng DOH Bicol kahapon.

Kabilang sa mga nakarekober sa nasabing sakit ang 78 indibidwal mula sa lalawigan ng Albay, dalawa mula sa Catanduanes habang isa naman ang gumaling mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Samantala, dalawang karagdagang bagong kaso naman ang naitala mula sa Camarines Sur, kung saan isa nito ay mula sa bayan Lagonoy at isa naman sa Naga City.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Dahil dito nasa 3,469 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa rehiyon mula sa 46,748 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Kaugnay nito isa naman ang naitalang nasawi mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya’t umabot na sa kabuuang 1,893 ang COVID-19 fatalities sa Bicol.###