Nadagdagan ng tatlo ang kaso ng covid-19 delta variant sa probinsya ng Zambales.
Ito ay makaraang matanggap ang resulta ng genome sequencing sa walong specimen mula sa Zambales na sinuri ng Philippine Genome Center.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, dalawa mula sa tatlong samples ang galing sa covid19 positive ng bayan ng San Antonio habang isa naman ang taga San Felipe.
Sa ngayon ay mayroon nang apat na confirmed delta variant cases ang Zambales at dalawa sa mga ito ay parehong 2 years old na residente ng San Antonio.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
