Batangas -Umapela ang pamunuan ng Association of Barangay Captains sa pamahalaang panlalawigan na ipamahagi na ang rescue vehicle sa bawat barangay sa Batangas upang magamit sa panahon ng pandemya.
Ang kahilingan ay nagmula kay ABC Pres BM Willy Maliksi sa ginanap na IATF meeting para kay Gov. Dodo Mandanas, sinagot naman ito ng gobernador na hindi pa tapos ang hinihiling na pagpapagawa ng service center at pagkukuhanan ng spare parts ng mga sasakyan na konsidyon ng pamahalaang panlalawigan kung kayat hindi pa mabayaran at maipamahagi ang mga rescue vehicle.
Nagbigay din ng kalinawan sa proseso ng ipamamahaging sasakyan ang mga mambabatas ng Sangguniang panlalawigan sa hiwalay na pag-uusisang muli ni Bokal Maliksi sa sesyon ng mga ito, dito nabatid na ang Memorandom of Agreement pala na naipasa sa lamesa ng mga mambabatas ay walang “implementing guidelines’” na ayon kay 4th District BM JP Gozos, Chairman ng Committee on Laws na ang kawalan ng implementing guidelines ay hindi makapapabor sa panig ng sinumang tatanggapo na kapitan ng barangay.
Bunsod nito ay inatasan na lamang ni Batangas VG Marc Leviste bilang presiding officer ang Sangguniang Panlalawigan Secretariat na makipag-coordinate sa ehekutibo upang makumpleto na ang ilalatag na implementing guidelines sa MOA at mga kondisyon upang sa ganun ay mapag-aralan at maaprubahan na ito ng lehislatibo.
Samantala ang rescue vehicle na sinasabi ni Bokal Maliksi ay inilarawan ni Gov Dodo na isang malaking van na kumpleto sa kagamitan at ito ay tatawaging mulit-purpose vehicle na maipamamahagi sa higit isang libong barangay sa Batangas.