TATLONG BARANGAY SA BAYAN NG GUINOBATAN ALBAY NAGSASAGAWA NG PAGBABAKUNA

LEGAZPI CITY – Kaninang umaga ay nagsimula na ang kanilang pagbabakuna sa mga residente ng Barangay Bololo, Morms at Doña Tomasa.

 Ito ang inihayag ni Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan Albay sa Brigada News FM Legazpi. Ayon kay Ongjoco, sinovac at astrazeneca ang ibabakuna sa mga residente ng nabanggit na barangay. Aabot sa 1500 individual ang kanilang target na dapat mabakunahan ng Lokal na pamahalaan sa barangay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

 Tumaas ng 10% ang kanilang vaccination rate dahil sa nadagdagan ng bakuna ang nasabing bayan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

 Mababa pa rin ang kanilang porsyento sa pagbabakuna dahil na rin di pa gaano karami ang dumarating na bakuna at may mga residente na ayaw pa rin magpabakuna. Umaasa ang Alkalde na bago magtapos ang taon 2021 ay maabot ng Lgu ang heird immunity laban sa covid 19.