CAMARINES NORTE – Nakapagtala ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte pagkalipas ng ilang buwan.
Batay sa datos ng Department of Health na inilabas nitong Lunes, May 27, ang mga bagong kaso ng sakit ay nagmula sa Daet, Sta Elena at Vinzons.
Matatandaan na kalagitnaan ng Enero nitong taon huling nagkaroon ng double digit na kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.
Paglipas nito ay paisa- isang kaso na lang ang naitala hanggang sa zero case sa loob ng dalawang buwan.
Dati nang nagpaalala ang Provincial Health Office na bagamat paisa- isa na lang ang naitatalang kaso ay kinakailangan ang ibayong pag- iingat sa harap na rin ng banta ng paglabasan ng ibang COVID- 19 variant.
