Buong pusong ipinagmamalaki ng Pilinas ang RTPact dance group mula Lipa City, Batangas, matapos nilang masungkit ang ikalwang pwesto sa ginanap na Body Rock Competition sa San Diego, California, USA.
Sa panayam ng Brigada Batangas sa isang miyembro ng RTPact na si Kioj Rodriguez, sinabi nito na ang inspirasyon ng kanilang grupo s apagsasayaw ay ang mga deaf people.
Ayon kay Rodriguez, hindi naging madali ang kanilang laban dahil sa kakulangan sa pondo para suportahan ang kanilang pangangailangan, ngunit hindi ito naging hadlang para hindi sila tumuloy sa kompetisyon.
Dahil sa pagsisikap at kagustuhang makasali, nagkaroon sila ng pagpafund raising events, dance class, merchandise, concerts at iba pang paraan, para malalikom ng pera at makalaban sa ibang bansa.
Hindi man sila ang tinanghal na kampeon, isang karangalan na para sa kanila at para sa kanilang mga pamilya na maiuwi ang ikalawang pwesto, dahil magagaling talaga ang lahat ng mga nakalaban nila.
Mensahe naman ni Rodriguez sa mga kabataang nag nanais na ipagpatuloy ang pagsasayaw at nangangarap na makalaban sa ibang bansa na ‘wag sumuko at ‘wag sayangin ang bawat oportunidad na dumarating sakanila.
Matatandaan na noong nakaraang February 2024 lanag ay lumaban na rin ang kanilang grupo sa Asia at naiuwi rin nila ang ikalawang pwesto.
Sa ngayon ay nasa San Diego, California pa rin ang grupo at nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa July 19, 2024.