Tatlo pang team mula sa mga electric cooperatives sa Camarines Sur tumulak na rin para sa power restoration sa Bohol

NAGA CITY-  Tatlo pang team mula sa Camarines Sur ang tumulak patungo sa Bohol upang tumulong sa power restoration matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Nagpadala ng pitong tauhan ang Camarines Sur I Electric Cooperative o CASURECO I, gayundin sa CASURECO II at anim mula sa CASURECO III. Ang mga warrior of lights na ito ay doon na sasalubong ng Bagong taon. Malayo man sa pamilya sasakripisyo upang matulungan ang Visayas Region.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Una nang pumunta ang mga labing isang personahe ng CASURECO IV. Doon na nagdiwang ng pasko. Nakipagbayanihan na sa mga linemen sa lugar at kapwa mga dumayo rin mula sa ibang kooperatiba.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng CASURECO II sinabing panahon muli ito upang magkaisa ang 121 na mga electric cooperatives sa bansa dala ang kanilang gamit at trucks.

Inihalintulad pa ni Bucay sa mga sundalo ang mga kuryente warriors na ito, na handang mag serbisyo saanmang lugar.