Mga ospital sa Bicol naka code white alert status pa ngayong paparating na bagong taon

NAGA CITY- Kaunti man ang kaso ng COVID-19 at isa lamang ang naputukan nitong pasko naka Code White Alert Status ang mga ospital ngayong paparating na bagong taon.

Ito ay ayon sa Department of Health Bicol.  Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Sam Banico, Coordinator ng Iwas Paputok na nakahanda ang mga ospital sakaling dumami ang fire cracker related injury, gayundin kung may kaso ng food poisoning, aksidente at iba pang emergency situations.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Nitong nagdaang pasko, sinaluduhan ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO Camarines Sur ang lahat ng mga personaheng  basa duty habang ang ibang pamilya ay magkakasama sa Noche Buena.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Kabilang sa mga ito ang lahat ng health workers, frontliners, DRR personnel at iba pang handang rumisponde.