Lahar flow – na-monitor sa Bulkang Mayon sa kasagsagan ng Bagyong Kristine

Halos nilamon ng mga buhangin at bato ang ilang mga sasakyan sa Barangay Masarawag ng Guinobatan, Albay matapos ang nangyaring lahar flow mula sa Mayon Volcano sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ito rin ang kinumpirma ni Dr. Paul Alanis, ang Resident Volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Brigada News FM Legazpi, subalit sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung anong stage ng lahar ang naitala sa nasabing barangay.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Base umano sa mga larawan at videos na ipinadala sakanilang tanggapan, ito ay nagri-range sa pagitan ng debris flow at hyper-concentrated lahar.

Binigyang-diin ni Alanis na ang kasalukuyang bagyo ay walang epekto sa aktibidad ng Bulkang Mayon dahil nananatili pa rin ito sa Alert Level 1 status maliban na lang sa mga secondary hazards katulad ng naitalang lahar flow.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Samantala, sa nakalipas namang 24 oras na monitoring ng PHIVOLCS sa bulkan, naitala ang apat na volcanic earthquakes, at 28 rockfall events dahil sa halos walang tigil na pag-ulan.