Tatay, ipinagtanggol sa pambabatos ang anak, hinataw ng kahoy, kritikal!

Inoobserbahan pa sa pagamutan at kinakailangang ma-operahan  si ginoong Edgardo F. Esman 53 anyos ng Purok Tagumpay Barangay Malinao, Narra Palawan.

Ito ay matapos siyang hatawin ng kahoy nitong Lunes, July 11, 2022 dahil umano sa diskusyon sa tungkol sa manok at pambabastos umano sa kanyang anak ng suspek  na alyas “Tapong”.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa anak nito na si Melody Esman, nagtamo ng matinding pinsala sa leeg, balakang at braso ang kanyang ama na namimilipit sa sakit.

Napag-alaman na nagalit ang suspek nang komprontahin ito ni Edgardo tungkol sa madalas nitong pagsasabi ng “I Love You” sa kanyang anak.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Pinag-diskusyonan din ng biktima at suspek ang tungkol sa ninakaw na manok pero nagalit ito kay Edgardo at hinataw siya ng kahoy.

Samantala, napag-alaman ng kaanak na pinalaya ang suspek matapos maaresto dahil hindi umano ito maaaring ikulong dahil sa may problema sa pag-iisip.