Mga PDLs sa Sorsogon City District Jail, sumalang sa 4-day bread making training ng TESDA

SORSOGON CITY – Sumasailalim ang aabot sa 25 na inmates ng Sorsogon City District Jail sa bread making na bahagi ng Face to Face TESDA skills training.

Sa nasabing aktibidad ay sinasanay ang naturang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa paggawa ng tinapay at iba pang pastry products.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon kay SCDJ Jail Chief Inspector Tedler Samonte, layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng karagdagang pagsasanay ang mga PDL’s para matulungan ang kanilang mga sarili na magkaroon ng karagdagang kita upang masuportahan ang kanilang mga pangangailangan at gayundin ang kanilang mga pamilya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang training ay nagsimula araw ng Lunes noong Hulyo 11 sa loob mismo ng nasabing pasilidad.