SORSOGON CITY—Sa kabila ng matagal ng tapos ang Early Registation, inaasahan ng pamunuan ng DepEd Sorsogon Province na magkakaroon pa rin ng pagtaas sa bilang ng mga enrollees ngayong school year.
Sa panayam ng Brigada News FM kay DepEd Sorsogon Province Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillo, sinabi nito na sa ngayon ay nakaantabay sila sa mga datos na ipapadala ng mga paaralan upang makita kung magkakaroon pa nga ng increase sa bilang ng mga nag enroll nang sa ganon ay kanila itong maassess at mapaghandaan ang mga karagdagang resources na kakailanganganin ng mga paaralan.
Kung matatandaan, noong nakalipas na school year ay nagkaroon ng 10% na pagtaas sa bilang ng mga nag enroll na umabot sa mahigit kumulang 190,000 na mga mag-aaral at ito ay iniuugnay ng kagawaran sa mga nagsibalikang LSI’s at mga pamilyang nagdesisyong dito na ulit manirahan sa probinsya dahil sa pandemya.
