‘Tatak Pinoy’ at Anti-Agricultural Smuggling Act’, tututukan na sa Kamara

Tumugon na si House Assistant Majority Leader and Quezon 4th District Rep. Keith Tan sa naging talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address sa pamamagitan ng paghahain ng dalawang hakbang na kailangan maipasa ng Kongreso.

Isang araw matapos ang SONA, isinulong na ni Tan ang House Bill (HB) No.8601 o ang mungkahing “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act,” at HB No.8600 o yung “Anti-Agricultural Smuggling Act”.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Hinahangad ng HB No. 8601 na maging competitive ang mga lokal na produkto sa world market.

Ipinaliwanag ng Kongresista na sa pamamagitan ng naturang panukala, ang mga Philippine-made products, goods, and services ay makikilala sa buong mundo, na siyang makatutulong para sa economic development ng bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, nais naman mai-institutionalize ng HB No. 8600 ang mas mabigat na multa laban sa mga mapapatunayang nauugnay sa smuggled agricultural goods sa Pilipinas.

Mababatid na ipinag-utos ni Marcos ang pagkakapasa ng kabuoang 17 mga hakbang sa kanyang nagdaang SONA.
#