Task force bantay kuryente, ilalatag ng CASURECO 2 ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR- Isa sa mga magiging abala rin ngayong semana santa ang kooperatiba ng Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO 2) na maglalatag ng task force bantay kuryente upang matiyak ang maayos na daloy ng kuryente sa nasabing pagdiriwang.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Rinner Bucay, tagapagsalita ng CASURECO 2 na kahit na nga konsideradong walang pasok ang araw ng huwebes santo hanggang sa linggo ng pagkabuhay, mananatiling nakastand by ang kanilang opisina sa mga posibleng unscheduled power interruption dala ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Samantala, wala namang dapat ikabahala ang mga member-consumer ng kooperatiba dahil may sapat pa naman silang supply ng kuryente at mas bababa pa ang presyo ng taripa nito ngayong buwan ng Marso.