“Taranuman sa Barangay” sa Naga City mas pinaigting VS malnutrition

NAGA CITY – Pinaigting pa ng City Population and Nutrition Office ng Naga City ang kanilang mga programa para sa mga batang kulang sa timbang, payat, sakitin o kaya konsideradong malnourished sa pamamagitan ng “Taranuman sa Barangay” na ipinatutupad ng bawat Barangay Nutrition Scholars ng lungsod.

Nakapalaman sa aktibidad na ito ay ang 120 days feeding program sa mga bata nasa nabanggit ng kategoriya, iba’t-ibang mga pagkain o kaya recipe ang inihahanda ng mga BNS ayon kay Alvin Villacruz, isa sa Nutrition Program director ng CPNO.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Villacruz, sinabi nitong dapat na ipagpatuloy ang pagtatanim sa loob mismo ng bakuran o kaya sa simpleng paso puwedeng magtanim ng gulay, bukod diyan may ipinamimigay pa silang mga nakatanim ng mga gulay para matiyak na mabubuhay ito at mapapakinabangan sa oras na mamunga na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *