KORONADAL CITY – PAGKATAPOS ng Hinugyaw Festival ng Koronadal City, sunod namang aabangan ang Kulitangtang Festival sa bayan ng Tantangan, South Cotabato. Ang 14th Kulitangtang Festival at 63rd Foundation Anniversary ng bayan ng Tantangan ay magsisimula sa January 21 hanggang January 27.
Kabilang sa mga aabangang aktibidad ay ang pagbubukas ng Bahay Kubo competition, Fiesta Sadyahan sa Parke, Fireworks Display, Drag Race, Mutya ng Tantangan, mass dance competition, Pot All You Can, Larong Pinoy sa Merkado, at marami pang iba. Ang tema ng kapiyestahan ngayong taon ay “Tantangan: Conquers, Nurtures and Shines Towards Excellence”.
