Tanod na Rank 3 Regional MWP ng Guinobatan, Albay, arestado

LEGAZPI CITY – Hawak na ng mga otoridad ang isang tanod ng Brgy. Lomacao, bayan ng Guinobatan, Albay na ikonsiderang Rank No. 3 Regional Most Wanted Person matapos matapos itong mahuli sa Purok 6, Sitio Tanag ng nasabing barangay.

Kinilala ang akusado na si alyas Jonjon, 30 anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest para sa apat na bilang ng kasong Frustrated Murder na may piyansang aabot sa P800,000.

Nasa kostudiya na ito ng Guinobatan MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *