Disaster Response ng NCPO handa na sa panahon ng mga bagyo

NAGA CITY – Handang–handa na ang mga trained personnel ng Naga City Police Office para ipatupad ang SRR o itong Search,Rescue and Retrieval at ang SAR, Search and Rescue Operations sakaling magkaroon ng kalamidad gaya ng bagyo at sa iba pang porma ng natural disaster.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ito ang tiniyak sa Brigada News FM Naga ni PSSGT Roberto Aguillon, Assistant Public Information Officer ng NCPO kaugnay sa ginawa nilang pag inspection sa mga SRR at SAR equipments na ayon sa kanya ay bahagi ito sa programa ng Phil National Police ngayong papasok na sa panahon ng tag-ulan at panahon ng pagkakaroon na naman ng mga bagyo sa bansa.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Anya’y may sarili namang pondo ang Pambansang Pulisya sa programang ito at mga sinanay na mga personahe kaya natitiyak niyang magiging matagumpay sila sa pag responde at pagliligtas ng buhay.