Tangkang pangunguha ng bata sa isang paaralan sa Naga City, kinumpirma ng Barangay Council; Emergency meeting ipinatawag para sa seguridad ng mga estudyante

NAGA CITY- Naalarma ang mga magulang,  mga personahe ng paaralan at ang Barangay Council ng  Concepcion Pequeña, Naga City sa mga sumbong na may nagtatangkang manguha ng bata sa may sa Julian B. Meliton Elementary School.

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Jewelin Regmalos na mayroon nang sumbong at blotter ukol dito, isang itsura lamang ang isinasalarawan; naka sombrero , naka facemask at matabang lalaki.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Salaysay pa ng Kapitan, basta na lamang hinihila ang estudyante, isa pang insidente ay sinubukan ng lalaki na sunduin ang hindi niya naman kaano-ano, isa pang sumbong ay sinusundan ang mag-aaral.

Kaya naman ang mga magulang, guro, guwardiya at barangay tanod ay magkakaroon ng emergency meeting para sa seguridad.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Mungkahi ni Regmalos, magkaroon ng ID ang mga susundo, at magpa dagdag ng pulis dahil napakalawak ng kanilang barangay na siyang pinakamalaki sa Bicol Region o may populasyon na aabot sa 30,000. Ilang pribado at pampublikong paaralan ang dapat na may nagbabantay na otoridad.