CAMARINES NORTE- Umabot na sa double digit ang mga kaso ng Dengue sa ilang Barangay sa Camarines Norte.
Batay ito sa tala ng Provincial Health Office (PHO) mula Enero hanggang Nobyembre 11.
Sa Daet Ang Alawihao ang nagtala ng double digit na nasa 12.
Sa Jose Panganiban ay pinakamarami sa Barangay Larap na may 11 at sa Mercedes ay ang San Roque na mayroon ding 11.
Nananatili naman sa single digit ang mga kaso sa karamihang Barangay.
Sa kabuuan nasa 227 na ang mga naitalang kaso ng Dengue sa buong lalawigan at mayroon na ring isang nasawi dahil dito.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng PHO at ng Department of Health sa publiko na palagiang linisin ang paligid at tiyaking walang pwedeng pamugaran ang lamok.
Pinangangambahan ang lalo pang pagtaas ng mga kaso lalo’t madalas ngayon ang mga pag ulan na nagdudulot ng pagbaha.
May mga binabaha ring lugar sa lalawigan na matagal bago bumaba ang tubig.
Patuloy naman daw ang information campaign ng PHO sa buong lalawigan para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue.
