Tangkang pagnanakaw sa isang tindahan at apartment, nabulilyaso

Hindi natuloy ang tangkang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang tindahan, hating gabi noong Lunes, August 30, 2021 sa bahagi ng Libis Road, Barangay san Pedro, Puerto Princesa City.

Ayon kay Cherry, secretary ng gusali,  sinira ng kawatan ang gilid ng tindahan, subalit nahirapan ito makapasok dahil sa kitid at maraming harang sa loob.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nang hindi magtagumpay ay sinubukan nito umakyat sa pader para makapasok  pero buti na lamang ay nakita at agad sinita ng may-ari kaya agad tumakas papunta sa kalapit na bahay.

Dahil sa ingay na dulot ng pagtalon ng kawatan sa katabing apartment ay nagising naman ang caretaker ng aparment.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinubukan pang pigilan ang kawatan subalit armado umano ito ng patalim kaya nagdalawang isip at napaatras upang hindi mapahamak.

Ayon pa sa caretaker ng apartment na si Jaymar Pardinio, nagkapang-abot pa sila ng suspek at nang sitahin niya ito ay akma siyang susugurin.

Samantala sa pagmamadaling tumakas ay naiwan pa sa lugar ang tsinelas ng kawatan.