Batangas City – Tinuruan ng Bureau of Fire Protection o BFP San Jose, ang mga residente ng Barangay San Roque sa San Jose, Occidental Mindoro ang tamang paggamit ng fire extinguisher sa pamamagitan ng “TPASS”.
Ang ibig sabihin ng TPASS ay Twist the pin, Pull the pin, Aim the nozzle at the base of the fire, Squeeze the lever at Sweep from side to side.
Ayon kay FO1 Elabora Davina Mesina, mahalaga na matutunan ng mga kababaihan ang paggamit ng fire extinguisher, dahil sila aniya ang madalas maiwan sa mga bahay.
Layon nito na mapalawig pa ang kaalaman ng mga kababaihan upang maiwasan ang malalaking sunog.
Paalala naman ni FO Mesina, na ang fire extinguisher ay dapat regular na pinapa-maintenance upang masigurong nasa maayos na lagay ito.
Samantala, paalala naman ng BFP na ang fire extinguisher ay para lamang sa mga maliliit na apoy dahil limitado lamang ang laman nito.