Batangas City – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Police Community Relation Month, sinanay ng Batangas City Police Station sa paggawa ng dishwashing liquid ang ilang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI sa Barangay Mahacot East, Batangas City.
Layong ng programang ito na mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan, upang magkaroon sila ng dagdag na kita.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng maikling lecture patungkol sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004 at RA 8353 o ang Anti-Rape Law na pinangunahan ni PSSG Malonie Maderazo.
Kabilang din sa binigyang pansin sa naturang lecture ang Karapatan ng mga kabataan at mga batas upang protektahan ang mga ito laban sa pang-aabuso.
Samantala, nagpapasalamat naman ang ilang mga dumalo dahil malaking tulong umano ang kanilang natutunan para magkaroon ng pagkakakitaan.