Tamang paggamit at disposal ng tubig galing sa ulan o rainwater, ipinag-utos ng Pangulo

Sinabi ni National Irrigation Administration o NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen na gusto ng Pangulo na pakinabangan ang tubig ulan, idaan ito sa proseso para gawing malinis at pwedeng inumin o gamitin sa pangangailangan ng mga kabahayan.

Ayon kay Guillen, ibinaba ng Pangulo ang utos nito sa ginanap na pulong nila kamakailan sa Malacañang, kasama ang Department of Public Works and Highways at Department of Environment and Natural Resources.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nanghihinayang aniya ang Pangulo sa tubig na galing sa ulan at napupunta lamang sa mga karagatan gayong pwede naman itong ipunin, iproseso para gawing kapaki pakinabang, lalo na’t sinabi ng DENR na mayroong 40 milyong mga pilipino pa ang walang direktang access sa malinis na tubig.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon pa kay Guillen, ang kailangan lamang ay mga mamumuhunan o investors para magawa ang treatment, at purification, saka ito idi-distribute ng local water utilities administration o LWUA.