Pinatay ng Taliban ang isang umano’y murderer sa unang public execution na ginanap sa Afghanistan simula nang bumalik ang Islamist group sa kapangyarihan.
Sinabi ng tagapagsalita ng Taliban na si Zabihullah Mujahid , na ang lalaki ay binaril ng ama ng kanyang sinasabing biktima sa public execution na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Taliban sa timog-kanlurang lalawigan ng Farah.

Ang lalaki ay inakusahan ng pananaksak sa biktima hanggang sa mamatay noong 2017 at pagnanakaw ng isang cell phone at bisikleta. Ayon sa Taliban, umamin ang akusado sa pagpatay at ang kaso ay dininig ng tatlong magkakaibang korte.
Sinabi ng ina ng biktima na tinanggihan ng pamilya ang kahilingan na patawarin ang lalaki.
Ito ang kauna-unahang public execution mula noong bumagsak ang Kabul sa Taliban kasunod ng pag-alis ng mga pwersa ng US sa bansa noong August 2021. Sa naunang pamumuno ng Taliban mula 1996 hanggang 2001, karaniwan na ang mga public execution gayundin ang iba pang marahas na parusa.//CA