FIFA World Cup: Croatia nasilat ang Brazil, Argentina pasok na sa semis

Abanse na sa semi-finals ang koponan ng Croatia sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Nasilat ng Croatians ang FIFA World rank no. 1 na Brazil sa pamamagitan ng penalty shootout, 4-2, matapos na magtabla sa 1-1 ang score sa pagtatapos ng laban.

Unang naka-goal si Brazilian striker Neymar sa 105+1 minute mark ng laban subalit agad naman nakabawi si Bruno Petkovic sa 117′ minute mark para itabla ang laro.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Dito na dinomina ng mga kickers ng Croatia ang penalty shootout kung saan lahat ng sipa nito ay pumasok sa goal at angkinin ang semi-final spot.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Samantala, pasok na rin sa FIFA World Cup semis ang team ng Argentina na nauwi din sa penalty shootout ang laban kontra sa Netherlands matapos magtabla sa 2-2 ang score.

Naipasok ng koponan ni Leonil Messi ang apat na penalty kicks, habang tatlo lamang sa panig ng mga Dutch.