Nagpasa ng landmark legislation ang US Congress para protektahan ang same-sex marriage sa ilalim ng federal law at nangako si Pangulong Joe Biden na mabilis na lalagdaan ang naipasang batas.
Tatlompu’t siyam na Republicans ang sumali sa united Democratic majority sa isang pambihirang pagkakataon ng bipartisanship wala pang 10 araw pagkatapos maipasa ng Senado ang parehong panukalang batas.
Sa isang pahayag sinabi ni President Biden, na gumawa ng isang kritikal na hakbang ang Kongreso upang matiyak na ang mga Amerikano ay may karapatang pakasalanan ang taong mahal nila.

Sinabi niya na ang bipartisan vote ay magbibigay ng kapayapaan sa isip sa milyun-milyong LGBTQI+ at interracial couples na ngayon ay ginagarantiyahan ang mga karapatan at proteksyon kung saan sila at ang kanilang mga anak ay may karapatan.
Ang conservative-led Supreme Court ay unang binawi ang abortion rights na nag-udyok sa mga mambabatas ng magkabilang partido na kumilos upang pigilan ang korte na alisin ang same-sex marriage rights gaya ng pangamba ng ilan na maaaring gawin nito.//CA