Inilabas na ng Taliban ang kanilang interim government sa Afghanistan kasabay ng pagdedeklara sa bansa bilang Islamic Emirate.
Ayon sa report, purong lalaki ang bumubuo sa bagong Cabinet na pawang senior Taliban figures na kinabibilangan ng mga notorious sa pag-atake sa US forces sa nakalipas na dalawang dekada.

Ang gabinete ay pamumunuan ni Mullah Mohammad Hassan Akhund na isa sa mga founder ng movement at nasa blacklist ng United Nations.
Ang FBI-wanted leader ng Haqqani miliant na si Sirajuddin Haqqni ang itinalagang Interior Minister. Sinasabing ang announcement ng acting Cabinet ang isa sa mga “key” step sa pagbuo ng permanent Taliban government.
Haharapin naman ng bagong leadership ang malalaking challenges tulad ng ekonomiya at pagkuha ng international recognition.
Matatandaang naagaw ng Taliban ang kontrol sa buong Afghanistan tatlong linggo na ang nakakaraan matapos na mapatalsik ang nakaupong gobyerno.