Sentro ng bagyong Jolina, posibleng maging pinakamalapit sa Metro Manila mamayang gabi

Inihayag ng PAGASA na posibleng maging pinakamalapit ang sentro ng bagyong Jolina sa National Capital Region mamayang alas-6 hanggang hanggang alas-diyes ng gabi.

Pero kaninang madaling araw pa lang ay nakaranas na ng matinding buhos ng ulan ang Metro Manila, CALABARZON, at iba pang karatig nitong mga lalawigan.

Sa ngayon ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa marami pa rin lugar sa Luzon.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Kabilang na rito ang: Northern portion ng Romblon, Marinduque, northern at central portions ng Oriental Mindoro, northern at central portions ng Occidental Mindoro kabilangd na ang Lubang Islands, central at southern portions ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Manila, southern portion ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, and Tarlac.

Nagbabala ang PAGASA na sa mga nabanggit na lugar ay posibleng mararanasan ang matinding pag-ulan at mapaminsalang hangin na maaring magdulot ng pagbaha, landslides, at pagkasira ng mga imprastraktura at pananim.

Read More:  Senator Bato files 2 bills despite Senate absence

Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang La Union, southern portion ng Benguet, southern portion ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Bulacan, nalalabing bahagi ng Quezon kabilang na ang Pollilo Islands, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur, western portion ng Albay, northwestern portion ng Masbate kabilang na ang Burias Island, nalalabing bahagi ng Romblon, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, at sa nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro.