Mga nakatanggap ng Sputnik V vaccine, posibleng maghintay ng 6 months para sa 2nd dose

Inihayag ng Department of Health na posibleng maghintay ng hanggang anim na buwan ang mga indibidwal na naturukan na ng Sputnik V COVID-19 vaccine bago makuha ang kanilang second dose.

Mas mahaba ito kompara sa nairekomendang interval period sa ilalim ng emergency use authorization ng bakuna na 21-42 araw matapos ang first dose at pati na rin sa hiningi na extended 90-day interval period ng Gamaleya Research Institute.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Tiniyak naman ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na mataas pa rin ang efficacy rate na kayang ibigay ng first dose ng Sputnik V vaccine.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Ayon sa opisyal, sa first dose pa lang ay aabot na sa 80% ang efficacy rate nito.

Sa ngayon ay wala pang rekasyon ang Food and Drug Adminsitration ukol rito.

Matatandaan noong Agosto ay natanggap ng Pilipinas ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine na inilaan para sa second doses.