Talento ng mga Isebeleño, ibibida sa Isabela’s Got Talent

Ibibida ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang mga talento ng bawat Isabeleño sa pamamagitan ng programang “Isabela’s Got Talent”.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Isabela Tourism Office Head Joan Dy Maranan, ideya aniya ito ni Governor Rodito Albano dahil oras na aniya upang makilala at mabigyan ng suporta ang mga talentong mayroon ang mga Isabeleño.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Bukas na ang registration para sa mga nagnanais sumali sa Isabela’s Got Talent simula kahapon kung saan magsisimula naman ang unang linggo ng kompetisyon sa ika-5 ng Hulyo.

Magkakaroon naman ng weekly winner kung saan ang talent act na kayang madepensahan ang title hanggang sa ika-apat na linggo ay pasok na sa Grand Finals na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na mapanalunan ang P100,000 cash prize.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagpaalala naman si Tourism Head Maranan sa mga sasali na tiyakin na ligtas ang talent performance na gagawin upang maiwasan ang anumang mga aksidente.