‘birthing pains are unavoidable’
‘yan ang paalala ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng itinutulak na Public Transport Modernization Program (PTMP)sa mga transport sector.
Ayon kay Gatchalian, bagamat ito ang katotohanan ay dapat pa ring upuan ng gobyerno ang pagresolba rito upang mabawasan ang hirap na dala nito sa mga drayber, operator at posibleng maging sa mga commuters.
Anya, sa ngayon kase ay hindi pa tila natutugunan ng gobyerno ang lahat ng hamong kinakaharap ng panukalang programa.
Kasunod nito, dapat lang umanong mabigyan ng gobyerno ng sapat na suporta ang pagpapatupad nito dahil sa kanilang aksyon nakasalalay ang tagumpay dito.
Ayon sa senador, dahil dito maganda lang kung magkakaroon ng pansamantalang suspensyon sa pagsasagawa ng PTMP para matiyak ang epektibo nitong implementasyon.