Hinimok ng isang grupo si Pangulong Bongbong Marcos na tigilan na ang walang-humpay na produksyon at importasyon ng plastic sa bansa kung talagang seryoso ito sa pagresolba ng problema sa baha ng Pilipinas.
Ayon sa BAN Toxics, ang pagsisi sa basura at kawalan ng disiplina sa mga nagdaang baha sa Metro Manila ay nagsasawalang-bahala lang sa mas malaking isyu.
Sinabi nito na napakadali lang na sisihin ang basura at kawalan ng disiplina ng mga tao, pero ang climate impacts ng walang-tigil na produksyon ng plastic, land conversion, large-scale mining, at ang kontribusyon nito sa environmental degradation ay hindi napagtutuunan ng pansin.
Dagdag pa ni BAN Toxics Policy Development and Research head Jam Lorenzon – 99% ng lahat ng plastic ay mula sa fossil fuels, na siyang pinakamalaking contributor sa global climate crisis.
Sa huli, binigyang-diin ng grupo na kaisa sila ng mga Pilipino sa pagpapanagot sa grobyerno hinggil sa isyu na ito.
Nananawagan umano sila sa mga otoridad ng science-informed and human rights-based climate actions para tugtunan ang naturang problema.