Taguig LGU, pinabulaanang ikinulong nito ang mga tauhan sa Makati Garden and Park

Itinanggi ng Taguig LGU ang mga paratang ng Makati na ikinulong nito ang kanilang mga tauhan sa ipinasarang Makati Garden and Park nitong linggo.

Ayon sa information officer ng Taguig, ang Makati umano ang nang nagsara sa nasabing parke kaya hindi totoo ang sinasabi na kinulong sila.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Aniya, ang Makati mismo ang nagkulong sa sarili nila.

Sinabi naman ng Makati, na lupa lang umano ang sa taguig ngunit ang pasilidad ay pagmamay ari ng lungsod.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Matatandaang ipinasara kahapon ng Taguig ang pinag aagawang parke dahil sa kakulangan ng permits mula sa Taguig City Hall.