Makati: hindi kailangan ng permit para sa naka-padlock na Makati Park

Nanindigan ang Makati City Law Department na hindi kailangan ng permit para sa naka-padlock na Makati Park and Garden, na pansamantalang isinara ng gobyerno ng Taguig dahil sa diumano’y kakulangan ng mga permit.

Ayon kay Makati City Law Department head Atty. Don Camiña, hindi umano kailangan ng mga permit dahil ang parke ay isang pampublikong lugar.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Iginiit naman ng Taguig na ang Makati Park ay nasa ilalim ng hurisdiksyon nito at ang pagsasara ay nasa ilalim ng awtoridad nito.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Sinabi naman ni Camiña na ang pagkakaroon ng hurisdiksyon ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ang Taguig ay may pagmamay-ari sa Makati Park.

Samantala, tinitingnan na ng makati ang lahat ng posibleng mga legal na aksyon sa Makati Park upang maresolba ang problema.