Pagpapatupad ng segregation ng mga basura sa mga pampublikong paaralan pang elementarya at segundarya sa Naga City mas pinaigting ng SWMO

NAGA CITY – Hindi lamang sa declogging at sa mga drainage projects nakatuon ngayon ang atensyon ng Solid Waste Management Office kundi maging sa patuloy na kampanya sa segregation policy at ordinansa ng lungsod hinggil dito.

Sa implementasyon nito ay sa mga paaralan sila nakatutok para malaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na mga basura na sila rin mismo ang nagtatapon kung saan-saan.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, Head ng CSWDO, sinabi nitong may mga personahe silang nag-iikot at regular na kumukuha ng mga basura sa mga paaralan, kasabay na rin ng pakikipag-ugnayan din nila sa mga guro.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Aniya’y napakahalaga ng mga kabataan, at mga mag-aaral sa pananatili sa kalinisan sa paligid at dapat matutunan nila ito habang nasa paaralan, sabi pa ni Martin.