Tagkawayan, Quezon, kinilala sa Awarding of Grants sa Makati City

Batangas City – Binigyang pagkilala ng Philippines Multisectoral Nutrition Project (PMNP) ang Tagkawayan, Quezon sa ginanap na Stakeholders Forum and Awarding of Grants sa Makati City.

Malugod namang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan ang parangal, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng naturang bayan.

Kaugnay nito, nakatanggap din ng ang Tagkawayan ng parangal para sa maagang pagpapasa ng Financial Statement sa Commision on Audit nitong Enero.

Samantala, tatanggap din ng mahigit dalawang milyong pisong halaga ng pondo ang nasabing bayan mula sa World Bank, bilang parte ng unang tranche para sa programang pagsugpo ng malnutrisyon.