Incoming DepEd Sec. Senator Angara – may paglilinaw sa direktiba ni PBBM hinggil sa K-12

Nilinaw ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary Senador Sonny Angara na hindi naman sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang punto ng K-12 program ay gawing employable abroad ang mga Pilipino.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Ayon kay Angara, ang iniutos ng Pangulo ay ang pagtitiyak na ang mga Senior High School graduates ay may credentials at kakayahang makakuha ng trabaho.

Ito raw kasi ang ipinangako ng pamaahalaan isang dekada na ang nakalilipas nang dagdagan ng 2 taon ang basic education curriculum.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Mababatid na una nang sinabi ng pangulo na nais niyang gawing simple ang curriculum ng DepEd.