Tagapagsalita ng PNP itinalaga bilang media security focal person para sa Halalan 2022

SORSOGON CITY – Itinalaga ng pamunuan ng Phil National Police  ang lahat ng tagapagsalita nito bilang mga focal person na titiyak sa seguridad ng mga mamamahayag na magko-cover sa lokal at pambansang halalan sa Mayo 2022.

Sa isinagawang paglulunsad ng ‘Media Security Vanguards’ nationwide noong Biyernes, Enero 21, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Col Rhoderick Alba na napapanahon na na magtalaga ng mga focal person para sa seguridad ng mga media.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aniya, maaaring humingi ng tulong ang mga media practitioners sa PNP focal persons sa mga kaso ng pagbabanta at pananakot na may kaugnayan sa pagganap ng kanilang propesyon, ayon kay Alba.

Kautusan umano ito ni PNP chief Gen Dionardo Carlos bilang pagsunod sa utos ni Interior Secretary Eduardo Aṅo na e-secure ang mga mamamahayag batay sa rekomendasyon ni Presidential Task Force on Media Security head Usec Joel Sy Egco.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Naging batayan ni Egco ang Ampatuan massacre kung saan karamihan sa mga napatay ay mga media practitioner.

Dagdag pa nito, ang Media Security Vanguards ay isang makabuluhang milestone upang protektahan ang mga mamamahayag mula sa mga pagbabanta at iba pang anyo ng karahasan sa buong kapuluan.