Taas-singil sa mga konsyumer ng MERALCO, namumuro ngayong Nobyembre

Abiso sa mga konsyumer ng MERALCO – asahan na ang posibleng taas-singil sa inyong mga billing ngayong Nobyembre.

Ayon sa kumpanya – mayroon kasing naitalang pagtaas sa presyo ng kuryente sa spot market.

Read More:  NBI raids Valle Verde houses linked to Velascos

Ibig-sabihin, maka-aapekto ito sa dini-distribute nila na kuryente kaya maaaring mag-reflect ang taas-presyo ngayong buwan.

Nagkaroon din umano ng ‘repricing’ sa Malampaya natural gas.

Read More:  Impeachment court says Trillanes was not barred from testifying

Sa kabila nito, sinabi ng MERALCO na initial pa lamang ito, at posible pang mabago sa mga huling linggo ng Nobyembre.