Mungkahing pagpapaalis sa POGO sa bansa, tatalakayin na sa Senado sa darating na Linggo

Nanindigan si Senate Majority Leader Joel Villanueva na panahon na para i-phaseout ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito ay matapos ang naging panibagong raid sa isang POGO hub sa Pasay City na hininalang sex den.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Kung saan, nailigtas mula rito ang mahigit pitong daang trabahador kasama na ang pitong Pilipinong babae na kasama sa isang “aquarium-style” na viewing chamber.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kaugnay nito, sa darating na pagdinig sa Senado sa susunod na Linggo ay inaasahan ni Villanueva na mapag-uusapan din ang national policy sa nasabing industriya.