NAGA CITY- Ikinagulat ng ilang mga member consumers ang laman ng iniabot sa kanilang bill sa reading ng kuryente ngayong Hulyo, mula kase sa mahigit P5.00 na singil per kilowatt hour ngayon ay mahigit P12.00/kWh na!
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Rinner Bucay, tagapagsalita ng Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO II , kung matatandaan lumagapak ang taripa noong Hunyo 2024 dahil sa pagsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) na Staggered payment, upang maibsan ang mataas na generation rates. Hahatiin sa apat na buwan hanggang Setyembre ang bayad sa kuryenteng kinuha sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Ngunit ngayon, Hulyo pa lamang ay balik na sa P12.00/ kWh, sa computation kase ng kooperatiba sisingilin pa rin kase at maipapatong lamang ang bayarin sa mga susunod na billing. Ang current bill idagdag ang staggered payment ay nagresulta sa nasabing taripa. Aniya problema rin ito ng mga kooperatiba at mga member consumers.